Homemade aircon for Masa

Prenella | PNGSI Inc. – Sat, 10 May 2014

Homemade aircon by PNGSI Inc.

Sawang sawa kanaba sa init sa Pilipinas lalo na pag Summer Season? Isa ka ba sa masang Pilipino na nagtitiis gabi-gabi dahil sa init ng klima ay pahirapan makatulog? Isa ka ba sa paulit ulit na maligo sa gabi ay hirap parin makatulog dahil sa sobrang init ng klima? Isa ka ba sa masang Pilipino na halos di na magdamit at sa labas na ng bahay, bintana or bubong natutulog para lang mapreskuhan? Isa ka ba sa masang Pilipino na nangangarap na magkaron ng sariling aircon para makalanghap naman ng malamig na hangin sa pagtulog ngunit kapos sa pera ? If malaking ‘OO’ yung sagot mo ay para nga sayo itong blog page na to.

Ginawa ko tong webpage na to ay para makatulong sa masang Pilipino na makaexperience ng malamig na hangin sa pagtulog gamit ang isang ‘HOMEMADE AIRCON’ at maishare narin sa lahat if papano ito magagawa.

Papano nga ba to gawin?

Simpleng simple lang to gawin at kayang kaya mapa babae man o lalaki.

HOMEMADE AIRCON by PNGSI Inc.

Sundin lamang step by step yung mga dapat gawin:

  1. Ihanda muna yung mga gagamitin na gamit para makabuo ng isang homemade aircon:
    • Maliit na electric fan katulad ng nasa picture (any brand basta same yung itsura nya parehas sa picture).
    • Malaking timba na may takip.
    • Maliit na styro ice box na sukat or papasok sa loob ng timba na gagamitin nyo (if makakabili kayo ng pabilog na ice box mas mabuti).
    • Isang kutsilyo or gunting or kahit na anong matulis na bagay na pwedeng ipanghiwa or butas sa timba at styro.
  2. Simulan ng lagyan ng marka ng pagbubutasan yung timba at styro (Yung hugis ng butas, laki ng butas at dami ay depende sa inyo kung ano mas gusto nyo laki at dami ng butas).
    • Takip ng timba: Sukat dapat yung marka nya sa laki ng electric fan na gagamitin nyo sa ibabaw
    • Gilid ng timba: Depende sa inyo if ilang butas, laki at hugis yung gagamitin nyo
    • Styro: Maglagay lamang ng 2-4 na bilang ng butas sa may bandang itaas na gilid ng styro
  3. Simulan ng hiwain or butasin yung mga marka na ginawa nyo sa timba at styro.
  4. Pagkatapos mabutasan ay subukan nyo nang buuin yung homemade aircon nyo at paganahin para malaman if tama ba yung pagkagawa nyo or mali.
    • Maglagay muna ng malalaking yelo sa ice box (ideal yung malalaking block ice na sinlaki ng hollow block para mas matagal malusaw. Mas matagal malusaw mas matagal yung lamig ng homemade aircon nyo)
    • Ipasok na sa loob ng timba yung styro icebox na puno ng yelo.
    • Ilagay na yung takip ng timba
    • Ipatong yung electric fan sa ibabaw ng takip ng timba na may butas
    • ipwesto yung homemade aircon sa tabi ng malaking electric fan nyo sa kwarto
    • Itapat yung butas ng homemade electric fan nyo sa tabi or likod ng malaking electric fan nyo para yung lumalabas na malamig na hangin galing sa homemade aircon nyo ay hihigupin at deretso ibubuga naman sa inyo ng malaking electric fan nyo.
    • Pumuwesto sa pagtulog sa tabi ng malaking electric fan nyo pra yung lamig ng hangin ay diretso nyo mararamdaman at maeenjoy.

Hopefully maging ganito din kasarap yung tulog ng mga anak nyo sa gabi kahit na wala kayo sariling aircon sa bahay.

*Note: Mas epektibo at maeenjoy ang homemade aircon sa loob ng kwarto at gabi sa oras ng pagtulog.

Leave a Reply